NAGA CITY- Nagdesisyon ang Station Manager ng Radio Mindanao Network(RMN) Dwnx -Naga na isapubliko ang pangalan nito matapos itong mag positibo sa Coronavirus Disease.

Layunin umano nito na mas mapadali ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakahalubilo nito.

Ito’y si Bicol#1046 na kinilalang si Alfredo Ubaña Sr., station manager ng nasabing radio station , kasalukuyang symptomatic habang patuloy namang inaalam ang posibleng history of exposure nito.

Samantala 18 new confirmed cases naman sa COVID-19 ang huling naitala sa lungsod.

Napaglaman na ang nasabing mga bilang ay nagtatrabaho sa government offices, LGU-Naga mayors office, barangay officials, isang guro at mga frontliners.

Sa ngayon umabot na sa 1085 ang COVID-19 confirmed cases sa Bicol Region dahil sa 45 new confirmed cases.