Photo © web

Ipinagtanggol ni United States Defense Secretary Pete Hegseth ang malapit na ugnayan ng Amerika at Israel kasunod ng mga pagbatikos na sinasamantala umano ng Israel ang suporta ng US sa gitna ng pag-atake laban sa Iran.

Ayon kay Hegseth, matagal nang magkaalyado ang dalawang bansa at pareho silang may layunin na pigilan ang Iran sa pagbuo ng nuclear weapons.

Gayunman, iginiit niya na may kanya-kanyang layunin ang Estados Unidos at Israel sa kanilang mga hakbang, kabilang ang isinagawang airstrikes laban sa Iran.

Ang pahayag ay tugon sa mga kuwestyon mula sa ilang mamamayang Amerikano na nagsasabing ginagamit lamang umano ng Israel ang suporta ng US upang isulong ang sarili nitong agenda laban sa Iran.

Advertisement

Dagdag pa ni Hegseth na nananatiling hawak ng Estados Unidos ang pagpapasya kung kailan maaaring matapos ang umiiral na tensyon at labanan na may kaugnayan sa Iran.

Advertisement