NAGA CITY- Sa pagunita ng ika-8th Death Anniversary ni dating Interior Secretary Jesse M. Robredo, muling hindi nagawang makauwi ni Vice President Leni at ng kanyang pamilya sa Naga City.

Nabatid na ang unang pagkakataon na hindi nakauwi ang pamilya Robredo sa lungsod ay nang ipagdiwang ang ika-62 kaarawan ng yumaong kalihim.

Sa video message ni Robredo, nagpaabot ito ng pasasalamat sa lokal na gobyerno ng Naga sa patuloy pag-alala at pag bibigay supporta sa dating kalihim.

Maliban dito nag balik tanaw rin ang bise Presidente sa mga panahon ng panunungkulan ng kanyang asawa bilang isang opisyal ng gobyerno.