Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasugatan ang dalawang Pilipinong mangingisda nito lamang Sabado, June 29,2024 matapos sumabog ang engine ng kanilang fishing boat malapit sa Bajo de Masinloc sa Scarborough Shoal.

Kaugnay nito, ayon sa PCG, tinangka pa ng China Coast na harangin ang gagawin nilang rescue operations sa kabila ng sinabihan na nila ang mga ito na mayroong tinutugunan na emergency situations ang kanilang hanay.

Ayon naman kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilio na batay sa pahayag ng kapitan ng BRP Sindangan (MRRV-4407), na ang sanhi ng pagsabog ay dahil sa faulty battery starter motor.

Matapos marescue ang dalawang Pilipinong mangingisda ay agad itong dinala ng mga tauhan ng PCG sa Subic Bay.