NAGA CITY – Panawagan ngayon ng mga kapamilya ng walong mangingisda na nawawala sa Caramoan, Camarines Sur na agad na ipagbigay alam sa kanila sakali na mayroong impormasyon hinggil sa mga ito.

Kinilala ang mga nawawalang mangingisda na sina: Salvador Dellova Sr., 60-anyos; Jeffrey Dellova; Vincent Bawa, kapwa 30-anyos; Joseph Alarcon; Elibert Bawa, parehas 27-anyos; Miguel Lazado, 25-anyos; Angelo Bracero, 21-anyos at Jorem Clet, 17-anyos, lahat residente ng Sitio Lipata, Brgy Gogon, sa nasabing bayan.

Ayon sa Lokal na pamahalaan ng Caramoan, sakay ng orange na bangka ang nasabing mga mangingisda at nagpaalam na mangingisda sa Brgy. Butawanan, Siruma noong nakaraang Lunes pa, Agosto 12, 2024 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik ang mga ito.

Sa lahat na posibleng nakakita o kasama ng nasabing walong mangingisda maari kayong tumawag o magtext sa MDRRMO hotline: 09094641168 o kaya naman ay magpadala ng mensahe sa facebook page ng Caramoan MDRRMO (https://www.facebook.com/caramoan.mdrrmo).