Nagsimula nang mag-ensayo ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sa nalalapit nitong pagsabak sa tennis exhibition match.
Kabilang si Yulo sa mga celebrity at sports personalities na makikibahagi sa homecoming event ng Pinay tennis star na si Alex Eala na nakatakdang ganapin sa Philippine Arena sa Disyembre.
Makikita rin sa kaniyang ensayo ang pagsama ng nobya nitong si Chloe San Jose.
Dahil sa paglahok ng ilang kilalang personalidad sa mundo ng palakasan, inaasahang magiging tampok na pagtitipon ng Philippine sports all-stars ang naturang exhibition event. Kabilang din sa mga lalahok ang boxing legend na si Manny Pacquiao at ilang artista.
Para naman sa main event, maghaharap sina Alex Eala at Indonesian tennis star na si Janice Tjen, na kinilala bilang WTA Southeast Asian champion.
Matatandaang umabot si Eala sa ika-15 puwesto sa pinakahuling inilabas na Women’s Tennis Association (WTA) rankings.













