Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si trade diplomat Dita Angara-Mathay bilang bagong kalihim ng Department of Tourism, ayon sa anunsyo ng Presidential Communications Office ngayong Biyernes.

Ayon sa Presidential Communications Office, si Angara-Mathay ay isang “seasoned public servant” na may malawak na karanasan sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, at international economic engagement. Layunin umano ng kanyang appointment na higit pang palakasin ang papel ng turismo bilang mahalagang tagapaglikha ng trabaho, negosyo, at pag-unlad sa mga rehiyon.

Pinalitan niya si dating Tourism Secretary Christina Frasco, na kasalukuyang nagsisilbing Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.

Bago ang kanyang bagong tungkulin, nagsilbi si Angara-Mathay bilang Commercial Counselor sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo, kung saan pinangunahan niya ang mga strategic partnership sa mga industriyang Hapones na kabilang sa pangunahing pinagmumulan ng investment, technology, at turismo para sa Pilipinas.

Advertisement

Ayon pa sa PCO, pinangunahan din niya ang mga programang nag-uugnay ng global partnerships sa mga lokal na resulta, kabilang ang enterprise development, pagpapalakas ng mga industriya, at pagpapalawak ng oportunidad para sa micro, small, and medium enterprises sa bansa.

Advertisement