NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Brgy. Peñafrancia, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Jan Carmelo Cuano, 24-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na kinompronta lang sana ng biktima ang suspek na si alyas Bornok na magbayad na ng kaniyang utang ngunit ang mga ito ay nagkaroon ng mainit na diskusyon.

Matapos ang mainit na argumento, nagdesisyon si Cuaño na umuwi na ngunit dito na rin ito pinagsasaksak ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na mabilis na nakatakas mula sa kamay ng suspek.

Samantala, agad naman itong dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtuton sa kinaroroonan ng suspek na agad na tumakas matapos ang nasabing insidente.