Photo © web

Magpapakalat ng mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa mga pamilihan upang masiguro na walang magaganap na iligal na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., makikipag-ugnayan ang kapulisan sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan upang bantayan ang galaw ng presyo sa merkado.

Inatasan din niya ang lahat ng yunit ng pulisya sa buong bansa na magbantay laban sa mga negosyanteng maaaring magsamantala sa kasalukuyang sitwasyon.

Nanawagan ang PNP sa mga negosyante na pairalin ang katapatan at iwasan ang pananamantala sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa, sa halip na unahin ang pansariling interes.

Advertisement
Advertisement