Nanawagan si Senador Bam Aquino sa Department of Energy (DOE) na agad ipatupad ang suspensyon sa excise tax sa langis, kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.
“Nagmadali po kami maipasa ang batas na ’yan, sana mapadali rin ang pag-implement,” ani Aquino.
Ayon naman kay Kalihim ng Pananalapi Karlo Adriano, posibleng maipatupad ang suspensyon ng buwis sa langis sa Abril 12 o 13.
Paliwanag ng kalihim, bagama’t naabot na ang $80 kada bariles na threshold ng Dubai crude oil sa loob ng isang buwan—na rekisito sa batas—kailangan pa ring hintayin ang 15 araw matapos itong mapirmahan at mailathala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago tuluyang maipatupad ang suspensyon.
Advertisement
Advertisement













