NAGA CITY – Dead-on-arrival ang dating Civil Aviation Authority (CAA) personnel matapos saksakin sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Dario Gimol, 47-anyos, residente ng Brgy. Huyon, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagtutulog ang biktima sa isang kubo nang bigla na lamang itong saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang balikat ang biktima na agad naman sanang dinala sa ospital ngunit idineklara rin itong dead-on-aarival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan at posibleng kinaroroonan ng suspek.