NAGA CITY – Patay ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos pagbabarilin sa Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Reynante Clave, 45-anyos, residente ng Brgy. Lamon sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman an habang naglalakad-lakad ang biktima malapit sa Lamon Elementary School nanag bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang hindi pa malaman na kalibre ng baril.


Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid din na dahil sa insidente, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, agad ding tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon matapos ang naturang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunyon sa posibleng pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.