Photo© web

NAGA CITY- Nauwi sa pagkasawi ng suspek at pagkasugat nang dalawang pulis ang nangyaring drug buy bust operation sa Barangay Abella, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCOL. Chester Pomar, tagapagsalita ng NCPO, sinabi nito na nang akmang aarestuhin na ng mga kapulisan mula sa Police Station 1 at City Intellegence personnel ang hindi na pinangalanan na suspek ng bigla itong pumalag.

Ayon kay Pomar, mayroon palang itinatagong patalim ang suspek at pinagsasaksak ang naturang mga pulis.

Kaugnay nito, nakabunot naman ng baril ang kanilang mga taihan at kaagad na pinaputukan ang suspek ngunit nagtamo pa rin ng sugat ang dalawang pulis mula sa Police Station 1.

Advertisement

Samantala, kaagad naman na dinala sa ospital ang suspek na napag-alamang taga Barangay Haring Canaman, Camarines Sur ngunit sa kasamaang palad ideneklara na dead on arrival ng mga doktor habang ang dalawang pulis ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Paliwanag pa ni Pomar, madilim sa area kung kaya maraming opurtunidad an suspek na magsagawa ng transakyon.

Sa ngayon, tiniyak na lamang ni Pomar na patuloy ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa lungsod ng Naga.

Advertisement