NAGA CITY- Hindi pa rin madaanan ang ilang mga kalsada sa bahagi ng Baao, Camarines Sur dahil sa pagbaha na iniwan ni Bagyong Ofel.

Kaugnay rin nito ang patuloy na paghahanda ng bayan ng Presentacion sa naturang lalawigan sa posibleng pagguho ng lupa kung magpatuloy pa ang malakas na pag-uulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regina Bea head ng Presentacion Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ito aniya ay batay pa rin sa patuloy na monitoring at assessment ng naturang ahensiya.

Kung maaalala, ilang mga bayan na rin ang naiulat na labis na naapektuhan ng mga pagbaha at landslide sa lalawigan.

Ngunit sa kabila nito, wala namang naitalang nasaktan o binawian ng buhay.