NAGA CITY- Dead on arrival ang isang menor de edad matapos na sumalpok ang sinasakyang nitong SUV sa puno ng Acacia sa lungsod ng Naga. Habang sugatan naman ang 4 iba pa dahil sa insidente.

Kinilala ang nasawi na si alyas John, 15-anyos at residente ng Pacol Naga City.

Habang kinilala naman ang mga sugatan na sila Alyas John Rey, 32-anyos, residente ng Zone-4, Brgy. Tambang Tinambac Camarines Sur; Alyas James, 21-anyos, residente ng Zone 2 San Felipe; Alyas Isaiah, 18-anyos residente ng; Cararayan at Alyas Antonio, 17-anyos residente rin ng Zone 3 Peñafrancia, Naga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ni Jhon Rey, ang Maharlika Highway Brgy. Concepcion Grande sa nasabing lungsod gamit ang minamaneho nitong motorsiklo ng aksidenteng itong mag sidewiped ang isang SUV na minamaneho naman ni Alyas Isaiah, na binabaybay rin ang parehong direksyon.

Maliban pa dito, nag-overtake pa ang SUV sa kanang bahagi ni John Rey rason upang mag-stumble ito sa kalsada at magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Habang sumalpok naman sa puno ng Acacia ang SUV na minamaneho ni Isaiah nagresulta rin upang matamo nito ang malalang injuries kasama ang mga pasahero nito na sila James, Antonio, at John.

Samantala, agad naman sinugod sa ospital ang mga driver at pasahero ng SUV ngunit sa kasamaang palad, ay idineklara na dead on arrival ng mga doktor si John.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.