NAGA CITY- Nag-apela ngayon ang Naga City Health Emergency Response Task Force sa Inter Agency Task Force (IATF) na pansamantalang ilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Setyembre 8 hanggang 24.

Ang naturang apela ang may kaugnayan sa taunang selebrasyon ng Penafrancia Fiesta kung saan milyon na mga deboto, philgrims at bisita ang bumubuhos sa naturang lungsod.

Una rito, buwan pa lamang ng Hulyo ng magpasya na ang Archdioces of Caceres at Lokal na pamahalaan na isuspende ang lahat ng aktibidad sa Penafrancia festival dahil sa banta ng COVID-19.

Ngunit sa kabila nito, inaasahan na aniya ng mga otoridad na marami parin ang magpupumilit na makapasok sa lungsod sa panahon ng pagdiriwang ng kapistahan ni Nuestra Sra De Penafrancia.

Kaugnay nito, kasaling maipatupad ang MECQ sa lungsod, mas makokontrol ang mga tao sa iba’t ibang religious activities, maging ang mahigpit na screening enforcement sa Quezon-Camarines Sur provincial boundary at iba pang border control at internal security.