NAGA CITY- Nagpapatuloy ang Potable Water Distribution sa ilang barangay sa Naga City.

Nag-ikot-ikot ang mga water lorries sa lungsod upang magbigay ng malinis na tubig sa mga residente.

Kanina, ang water lorry ng Provincial Government ng Masbate na ipinahirap sa Brgy. Igualdad at magkakaroon pa ng ilang pamamahagi ng malinis na tubig sa mga darating na araw.

Samantala, sako-sakong relief packs at ilang kahon ng bottled water ang inihatid ngayong araw sa Brgy. Del Carmen – Del Rosario, Minalabac, Camarines Sur.