Photo © web

BINIGYANG-DIIN ng Department of Trade and Industry – Camarines Sur na posibleng tumaas ang presyo ng mga basic goods and commodities tulad ng delata, noodles, dairy, at iba pang katulad nito, kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jay Percival Ablan, Provincial Director ng DTI-Camarines Sur, sinabi nito na sa ngayon ay stable pa rin ang presyo ng mga bilihin at hindi pa naman naaapektuhan ng oil price hike ang mga bilihin sa merkado.

Subalit kung magpapatuloy ang krisis sa langis sa mga susunod na araw o buwan, paunti-unti na ring mararamdaman ng publiko ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at posibleng maapektuhan nito ang inflation rate ng bansa o ng probinsiya.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang price monitoring at iba’t ibang urin ng interbensyon upang makatulong sa mga MSMEs at sa mga consumer kung paano ang tamang pagbudget ng pera at paggastos para sa pangangailangan.

Advertisement

Hinimok ni Ablan ang publiko na kung sakaling tumaas ang presyo ng mga bilihin, na huwag mag-panic buying.

Dahil labis na makakaapekto ito sa ekonomiya at sa mga maliliit na negosyante gayon din sa mga ordinaryong Pilipino na nakikipagsapalaran sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Advertisement